katitikan ng pulong
Katitikan ng Pulong:
Ang
katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala,
rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong. So, para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong
“minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan
ng pulong” dahil nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga
ganitong mga bagay-bagay.
At
sunod ko namang ilalahad ay kung ano-ano naman ang katangian ng katitikan ng
pulong:
• Ito ay dapat na organisado ayon sa
pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan. Ibig sabihin,
hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-pokus na mga pahayag.
• Ito ay dokumentong nagtatala ng
mahahalagang diskusyon at desisyon.
• Dapat ibinabatay sa agendang unang
inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon
• Maaaring gawin ito ng kalihim
(secretary), typist, o reporter sa korte
• Dapat ding maikli at tuwiran ito.
Dapat walang paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa dokumento, at hindi madrama
na parang ginawa ng nobela.
• Dapat ito ay detalyado, nirepaso,
at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat
Dumako
naman tayo sa Kahalagahan ng Katitikan:
Mahalaga
ito dahil naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. At dahil nga
nakatala ang lahat sa katitikan ng pulong, nagsisilbing gabay na rin ito para
matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-usapan o nangyari sa pulong o meeting.
Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan ang katitikan ng pulong
(lalo na ‘yung mga naitatala sa loob ng hukuman o korte) sa paglipas ng
panahon. Sa katunayan din, ito ay magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod
na mga pulong. At isa pa, ito ay batayan ng kagalingan ng bawat indibidwal.
Kung
naghahanap ng katitikan ng pulong halimbawa, tingnan ang link na ito. Malaki
ang maitutulong nito: Pagsulat ng katitikan ng pulong at ang mga halimbawa nito
- brainly.ph/question/475859
******
Iba
pang akademikong sulatin at ang kanilang mga katangian ng akademikong pagsulat:
Abstrak - Ito ay karaniwang
ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa mga pag-aaral gaya ng
thesis, mga papel siyentipiko, mga papel na teknikal, mga lektyur at / o
report.
Katangian ng Abstrak: Hindi dapat
ito gaanong mahaba. Dapat din ay organisado ito ayon sa pagkakasunod sunod ng
mga nilalaman. Layunin ng abstrak ang mapaikli o mabigyan ng buod ang mga
akademikong papel para sa mga interesadong basahin ang akademikong materyal.
Bionote – Ito naman ay madalas na
ginagamit para sa personal na profile ng isang indibidwal. Nakalahad dito ang
academic career, achievements, kasalukuyang papel sa lipunan at marami pang
ibang impormasyon ukol sa paksa ng bionote.
Katangian ng Bionote: Dapat
makatotohanan ang mga nilalaman (Tingnan ang link na ito para malaman
kung ano ang kahulugan ng bionote - brainly.ph/question/411196)
Posisyong Papel – Ito naman ay
naglalayong maipaglaban nito kung ano ang alam at sa tingin mong tama.
Katangian ng Posisyong Papel: Ito
ay nararapat na maging pormal at organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya.
(tingnan ang iba pang detalye sa link na ito: Ano ang kahulugan, katangian,
layunin, gamit, katangian, at anyo ng posisyong papel -
brainly.ph/question/852289)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento