BIONOTE
BIONOTE
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
Ang Bionote ay
isang maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor o may akda
ng nasabing aklat. Mayroong pitong (7) na katangian ang pagsulat ng isang
bionote, ito ay ang mga sumusunod:
MGA
KATANGIAN NG BIONOTE
(Nicole Kent
L. Sacapaño)
1. Maikli
ang nilalaman
- Karaniwan ay hindi binabasa ng mga mambabasa ang
bionote kung ito ay mahaba. Sikapin na paikliin lamang ang pagsulat ng
Bionote para basahin ito at siguraduhin na ang nilalaman nito ay ang mga
importanteng impormasyon lamang.
2. Gumagamit
ng pangatlong panauhang pananaw
- Laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa
pagsulat ng Bionote kahit na ito ay tungkol sa iyong sarili.
Halimbawa:
"Si
Juanito Alfonso ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in
Medicine sa University of Sto. Tomas. Siya ay kasalukuyang
nagtatrabaho bilang doctor sa University of Sto. Tomas Hospital."
3. Kinikilala
ang mambabasa
- Kinakailangan na isaalang-alang ang mambabasa sa
pagsusulat ng isang Bionote. Kung ano ang hinahanap ng mambabasa dapat ay
iayon sa kanilang hinahanap ang pagsulat ng Bionote.
4. Gumagamit
ng baligtad na tatsulok
- Ang pagsulat ng Bionote ay katulad lang rin ng iba
pang obhetibong sulatin. Palaging unahin ang pinakamahalagang impormasyon
sa pagsulat ng Bionote. Ito ay dahil sa ang mga mambabasa ay binabasa
lamang ang unahang bahagi ng sulatin. Kaya dapat lamang na sa simula pa
lang ay ilagay na ang mga mga mahahalagang impormasyon.
5. Nakatuon
lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
- Piliin lamang ang mga kasanayan o katangian na angkop
lamang sa layunin ng iyong Bionote.
6. Binabanggit
ang degree kung kailangan
- Mahalagang isulat sa Bionote ang degree na
nakuha ng isang awtor dahil isa ito sa mahalagang impormasyon na dapat
malaman ng isang mambabasa.
7. Maging
matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
- Siguraduhin na tama ang lahat ng impormasyon na
ilalagay sa isang Bionote. Huwag magsulat ng hindi totoong impormasyon
para lamang maging kahanga hanga ang pangalan ng isang tao.
MGA
KATANGIAN NG BIONOTE
(Juan Miguel
V. Lamsen)
- Isang sanaysay na patungkol sa akda na ang primaryang
nakasaad ay ang kanyang pangalan, edukasyon, at mga nalikha.
MGA
KATANGIAN NG BIONOTE
(Mark Justin
D. Samson)
- Tala ng may akda patungkol sa kanyang sarili, nangyari
sa kanyang buhay na mag bibigay inspirasyon sa mga makakababasa ng kanyang
isinulat.
MGA
KATANGIAN NG BIONOTE
(Marinella
P. Banua)
- Pagpapakilala ng awtor- nakasaad dito ang
digri, institusyong akademiko, mga samahang sinalihan at larangan ng pinagkadalubhasaan.
MGA
KATANGIAN NG BIONOTE
(Franshine
Aliyah S. Grantos)
- Impormatibo,nagbibigay ito ng kaalaman sa mga
mangbabasa ukol sa kasanayan ng may akda at mga naranasan neto naisasaad
din dito ang mga parangal na nakamit ng may akda.
MGA KATANGIAN
NG BIONOTE
(Erika Jane
O. Olivar)
- Akda na patungkol sa may awtor na nag bibigay
sa kanyang sariling pag kakakilanlan at nag lalaman ng pagiging matagumpay
at karangalan ng may akda.
MGA
KATANGIAN NG BIONOTE
(Leonel P.
Portilla)
- Ang bionote ay isang maikling talata na naglalaman ng
isang pinaikling talambuhay.
MGA
KATANGIAN NG BIONOTE
(Jazel Loren
A. Padilla)
1.
karanasan ng may akda.
2.
Isa sa
mga katangian ng bionote ay ang pagbibigay ng malayang pahayag patungkol sa
buhay at
MGA
KATANGIAN NG BIONOTE
(Dhens
Ashlee S. Ceneta
- Ang bionote ay hindi tulad ng isang karaniwang
talambuhay kung saan niroromantisa ang naging buhay ng tampok na
indibidwal. Ang bionote ay isang maikling talata na naglalaman ng isang
pinaikling talambuhay. Pinaikli, sapagka’t ito ay naglalaman na lamang ng
mga impormasyon na totoo at direkta. Karaniwang nilalagay lamang sa
bionote ang lugar ng kapanganakan, pinag-aralan, nakamit ng mga parangal,
at mga naisulat na akda.
ANG KWENTO NG AKING BUHAY
AKO SI MHARTZ CEAZAR AVECILLA
MANZANO.DALAWA KAMING MAGKAPATID. PANGANAY AKO. ANG KAPATID KO AY ISANG BABAE
ANG PANGALAN NYA AY CZARINA MEI AVECILLA MANZANO AT MAHAL KO SYA. ANG PANGALAN
NG PAPA KO AY WILLIE ENCARNASYON MANZANO
ANG TRABAHO NYA AY ISANG FARMER AT ANG
PANGALAN NG MAMA KO AY JEANNE AVECILLA,
FERNANDEZ MANZANO ISA SYANG HOUSEKEEPER.PAGPUMUPUNTA SI PAPA SA BUKID SUMASAMA
AKO PARA TULONGAN SYA SA MGA GAWAIN SA BUKID.ANG MAMA KO NAMAN AY NAISTROK,
KAYA SYA NAISTROK KASI MAY SAKIT SYANG DYABITIS. NOONG BATA AKO, MAY SARI-SARING
STORE KAMI. NAGTITINDA KAMI MINSAN NG ULAM PARA SA MGA STUDYANTE. ANG ITSURA KO
NAMAN NOONG BATA AKO AY MATABA. ANG
BUHAY NAMIN NOONG AY MASAYA PERO NGAYON HINDI N KASI SI MAMA AY MADALAS
NG MAGALIT KASI NAMUMUBLEMA SA KANAYANG BUHAY KAHIT GANUN SI MAMA MAHAL KO
PARIN SYA.PAGMAINIT ANG ULO NI MAMA HINAHAG NAMIN SYA .KAHIT GANITO ANG BUHAY
NAMIN MALALAMPASAN NAMIN ITO
DITO NA NAGTATAPOS ANG KWENTO NG AKING BUHAY
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento