katitikan ng pulong
Katitikan ng Pulong: Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. So, para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay. At sunod ko namang ilalahad ay kung ano-ano naman ang katangian ng katitikan ng pulong: • Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan. Ibig sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-pokus na mga pahayag. • Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. • ...